Napuno ng masigabong palakpakan ang BPI-PQS Multipurpose Hall sa pagdaraos ng Gawad ng Parangal noong Enero 21, 2025. Kasabay ng ika-95 na taon na Anibersaryo ng Bureau of Plant Industry, ay ang pagbibigay pugay sa mga matatapat na kawani at ang mga kawaning nagpamalas ng natatanging kakayanan sa nakalipas na taon.
Binigyan ng loyalty awards ang mga empleyadong nagsilbi sa Kawanihan ng 10, 15, 20, 25, 30, 35, 40, 45 years. Kasabay ding binigyang parangal ang mga magigiting na Contractual Personnnel (COS) ng BPI.
Samantala, nuong Enero 22, sa mismong araw ng Anibersary ng BPI, ang ilan pang mga parangal na natanggap ng mga kawani ay ang – Distinguished Award, Group Award for Research, Group Award for Regulatory, Group Award for Support Services.
Binigyang pugay din ang mga 2025 Retirees na nagsilbi ng mahabang panahon para sa kanilang kontribusyon at pagiging mabuting ehemplo sa Bureau. Sa katunayan, 11 empleyado ang nakapagtala ng humigit 40 years na serbisyo sa BPI.
Bukod pa diyan, ginawaran din ang BPI Director na si Dr. Glenn Panganiban ng “Hall of Fame Award” na nagpapakita ng dedikasyon nito sa kaniyang paglilingkod bilang pinuno ng Kawanihan ng Paghahalaman.
Pinangunahan nina BPI Director Glenn F. Panganiban P.h.D, Assistant Director For Research, Development, and Production Support Services, Herminigilda A. Gabertan P.h.D, Assistant Director for Regulatory Services, Ruel C. Gesmundo at ng HRS Chief Ellaine T. Molon ang pagbibigay ng parangal.
Isang tulay ang ganitong seremoniya upang bigyang karangalan ang mga empleyado sa natatangi nilang galing at dedikasyon. Sila ay nagsilbing tulay upang mas maayos na maisakatuparan ng BPI ang mandato nito para sa mas maunlad na agrikultura.
(012725-24)