Menu

Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Seminar

“They’d like to MOVE it, MOVE it!”

Malate, Manila | Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Seminar sa tulong ng BPI-GAD Focal Point System bilang pakiki-isa sa 18-day Campaign to End VAW. Mahigit 20 kalalakihan mula sa iba’t-ibang opisina ang aktibo at masayang nakilahok sa seminar. Nagsilbing Resource Person ang Chair ng MOVE, Philippines, Inc na si Reynaldo de Guia.

Nilalayon ng seminar na mabigyan ng kaalaman ang mga kalalakihan sa kanilang tungkulin na mapigilan ang karahasan laban sa mga kababaihan, hindi lamang sa kani-kanilang mga tanggapan ganun din sa kanilang tahanan at komunidad.

Ang mga nagsilahok ay
kikilalaning Core Team upang maging katuwang ng BPI-GADFPS sa pagbabalangkas ng misyon at mga inisyatibo ng BPI-MOVE.

Ang BPI ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa upang maiangat ang kapakanan ng mga empleyado nito.

(112924-65)

Responsive 3-Column Footer

© 2024 | Department of Agriculture - Bureau of Plant Industry