Marami nang namimili dito BPI, Malate sa pagbubukas ng kauna-unahang Kadiwa Center sa Metro Manila na inihanda ng Department of Agriculture sa pamumuno ni DA Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr.
Sa paglalayong matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga ani, at mailapit naman sa mamimili ang mga murang produktong pang agrikultura, magkakaroon ng Kadiwa Center sa ibat-ibang opisina ng DA sa pamamagitan ng DA Agribusiness – AMAS
Susundan ito ng Kadiwa Center sa PhilFIDA sa Las Pinas sa May 17-18.
Abangan ang mga susunod na schedule ng Kadiwa sa mga DA pages.
Bukas ang Kadiwa ng 7AM- 3PM hanggang bukas, May 17.
Tara na po!
(051624-40)