Menu

8th BPI Information Caravan: Tagumpay sa Region I

Mahigit 30 plant nursery operators, coffee at cacao farmers mula sa iba’t ibang probinsya ng Region I ang dumalo sa isinagawang Information Caravan on Plant Nursery Accreditation and Plant Material Certification ngayong araw (May 15) sa DA-PREC, Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan.
Naglalayon ang information caravan na maipahatid ang kahalagahan ng pagkakaroon ng certified planting materials mula sa mga accredited nursery operators upang matiyak ang kalidad ng mga halamang itatanim na makakatulong na mapataas ang produksyon ng mga high-value at plantation crops sa rehiyon. Ito ay alinsunod sa minimithi ng DA Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. kasabay ang pagtaas ng kita ng mga magsasaka.
Pinangungunahan ng National Seed Quality Control Services (NSQCS) Division ang mga information caravan sa bawat rehiyon kasama ang paghahatid kaalaman ng ibat-ibang Division o opisina ng Bureau of Plant Industry (DA-BPI).
Binati ni NSQCS Reg. I Chief, Ms. Leila Dela Pena ang mga dumalo at hinikayat na maging kabahagi upang mapataas ang antas ng kalidad ng mga pananim at ang BPI ay tutulong upang mapadali ang mga requirements subalit sisuraduhin na tama ang proseso at pumasa sila sa standards para evaluation at inspection.
Si Mr. Nestor Blanco, SRS II ng DA RFO I ay nagpasalamat sa BPI sa initiative na ito upang maipabatid na ang katatagan ng plant industry ay nakasalalay sa mga accredited nursery operators para sa de-kalidad na planting materials. Pwede nang sumali sa procurement ng pamahalaan ang mga accredited nursery operators na isa sa mga benepisyo ng programa.
Nagbahagi naman ng mga programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) kaugnay sa Coconut Farmers & Industry Development Plan si Mr. Bonlizardo Enrico Cabrera at mga mga training programs naman para sa magniniyog at cacao farmers ay inihatid ni Mr. Ralph Marco Cabrera ng Agricultural Training Institute. Inilatag naman ni Mr. David John Rondal ng DA-RFO I ang sitwasyon at mga opportunities ng high-value, plantation at root crops sa buong rehiyon.
Si Ms. Diana Tabudlong naman ay itinuro kung paano at ano ang mga requirements para maging accredited plant nursery at plant material certification. Si Ms. Marigel Bacalso ng Magel Golden Integration Farms ay nagbahagi kung paano kilalanin ang ibat’ibang variety ng cacao gamit ang Zoom videoconferencing.
Pinagsama-sama ang mga eksperto ng BPI upang maipaliwanag ang ibat ibang serbisyo ng ahensya. Pamamahala ng mga peste at sakit ng cacao ang tinalakay ni Mr. Melvin Banagbanag ng Crop Pest Management Division (CPMD). Tamang proseso at kahalagahan ng domestic clearances para sa pagbyahe ng mga halaman ang ipinaliwanag ni Mr. Dondon Socalo ng National Plant Quarantine Services Division (NPQSD). Ipinaliwanag ni Mr. Ernie Lito Bollosa ng Crop Research and Production Support Division (CRPSD) ang tamang pamamahala ng nursery, mga practical tips at mga paraan ng pag paparami (grafting) ng mga pananim. Panghuli, itinuro ni Mr. Carlos Paul Pedracio ng Plant Product Safety Services Division (PPSSD) ang mga kailangan upang maging PhilGAP-certified ang mga taniman ng cacao. Binigyang-diin niya ang mga kahalagahan ng programa para matiyak ang kalidad at ligtas na pagkain, pagprotekta sa kapakanan ng mga farm workers at ng kalikasan.
Magpapatuloy ang information caravan sa mga rehiyon. Makipag ugnayan lamang po sa mga NSQCS Regional Stations para sa iba pang detalye.
(051524-39)
Responsive 3-Column Footer

© 2024 | Department of Agriculture - Bureau of Plant Industry