Opisyal na iginawad ang ISO 9001:2015 Quality Management System Re-Certification ng TÜV SÜD Philippines sa Bureau of Plant Industry (DA-BPI) noong Hulyo 7, 2025 sa ginanap na awarding ceremony sa Director’s Office Conference Room.
Tinanggap ni Director Gerald Glenn Panganiban P.h.D kasama ng mga Center Chiefs ang nasabing parangal para sa mga tanggapan ng DA-BPI.
Ang pagkakaloob na recertification ay bunga ng matagumpay na audit na isinagawa ng TÜV SÜD Philippines mula Marso 6 hanggang Mayo 8, 2025. Sa audit na ito, labing-walong opisina ng DA-BPI ang nakapanatili ng kanilang ISO 9001:2015 certification.
Layunin ng seremonyang ito na kilalanin at parangalan ang mga tanggapan ng DA-BPI na patuloy na sumusunod sa international standards ng quality management. Pinagtitibay rin nito ang dedikasyon ng ahensya sa pagbibigay ng mahusay, efficient, at globally aligned na serbisyo para sa stakeholders ng kawanihan.
Ang kaganapang ito ay nasaksihan ng mga opisyal mula sa Department of Agriculture na sina Asec. Joycel R. Panlilio ng High Value Crops & Sagip Saka, Intellectual Property, and Deputy Spokesperson of the DA; Larry R. Lacson, Ph.D., Administrator ng National Food Authority (NFA); Emerson S. Yago, Director for Rice Clustering & Consolidation under the Office of the Undersecretary for Rice Industry Development; Asec. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, ng Agribusiness, Marketing & Consumer Affairs (DA AMAS); Honorio C. Flameno, Director of the Information & Communications Technology Service (DA-ICTS); at Andrea Inocencio, Ph.D., mula sa Office of the Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization.
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
#BagongPilipinas
(070925-64)
Total Views: 372
