Pormal na ipinakilala sa publiko kahapon, Hulyo 7, sa Director’s Office Conference Room ang One-Stop Industry Revitalization and Information System (OSiRiS) Application at Rice Business Innovations System (RiceBIS 2.0). Dumalo sa programa ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture at mga partner ng Bureau of Plant Industry. Naglalayong matulungan ng mga programang ito ang publiko na mas mapadali ang gawaing pang agrikultura. Sa pahayag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., sa pamamagitan ni Director Emerson Yago ng MRIDP Rice Clustering and Consolidation, magkaibang programa ang OSiRiS at RiceBIS, ngunit pareho ang layunin, ang protektahan ang industriya at mamimili, at suportahan ang mga magsasaka. Dagdag pa niya, nasa kamay na ng mga kalahok ang solusyon sa mga problema ng agrikultura, kaya’t dapat itong gamitin at palawakin.
Ang OSiRiS ay makabagong database and monitoring tool upang maisakatuparan ang mandato ng Department of Agriculture at ng Bureau of Plant Industry na tiyakin ang transparency at subaybayan ang galaw ng mga agricultural products sa supply chain sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RA 11203) at ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act (RA 12022).
Layunin ng mobile application tool na ito na 1) ma-monitor at ma-analyze ang stock inventory ng mga pangunahing agricultural commodities ng bansa gaya ng bigas, sibuyas at bawang; 2) i-manage ang mga impormasyon ng mga Food Business Operators pati na ang Cold and Dry Storage Warehouses sa bansa; 3) makatulong upang sa mga regulatory agencies para mas mabilis at maayos ang monitoring at reporting; at 4) para may sapat na datos ang mga policy makers sa paggawa ng mahahalagang desisyong pang agrikultura at ekonomiya.
#OSiRiS
#RiceBIS 2.0
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
#BagongPilipinas
(070825-61)
Total Views: 336