Inagurasyon ng Bureau of Plant Industry(DA-BPI) Los Baños Kadiwa Center, Tissue Culture Laboratory, Biological Control Facility pati ang Vehicle Dedication Ceremony, Hunyo 26, 2025 sa DA-BPI Los Baños na may temang “Strengthening Farming Support through Innovative Agri-Technologies.” Pinangunahan ito ni DA Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. kasama sina BPI Director Gerald Glenn F. Panganiban Ph.D at iba pang mga opisyal ng DA.
Layunin ng mga ito na palakasin ang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng paghahandog ng mga pasilidad at teknolohiyang agrikultural, alinsunod sa mandato ng DA-BPI na tiyakin ang pagkakaroon ng dekalidad na mga tanim, itaguyod ang plant health, at magbigay ng mga solusyong nakabatay sa agham para sa mga magsasaka.
#BagongPilipinas
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
(062625-44)
Total Views: 270