Menu

Department of Agriculture Celebrates 127th Founding Anniversary

Hunyo 23, 2025 | Ang DA-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ay nakiisa sa pagbubukas ng seremonya ng Department of Agriculture (DA) para sa kanilang ika-127 anibersaryo na may temang “Kaisa ng Magsasaka’t Mangingisda Tungo sa Masaganang Bagong Pilipinas”, sa sa DA Central Lobby sa Quezon City.
­
Pinangunahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagbubukas ng selebrasyon. Sa kanyang mensahe binigiyang diin nya ang kahalagahan ng pagkakaisa, koordinasyon, at pakikikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mas higit na mapalakas ang agrikultura sa bansa. Bukod pa rito, kinilala niya ang kasipagan at sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda, at ipinaalala na dapat ay mabigyang ng agarang aksyon kanilang mga pangangailangan.
­
Mayroon din “one-stop shop” sa loob mismo ng DA Compound na bukas sa publiko mula June 23-26, 2025, ito ay naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng DA at attached Agencies.
­
#BagongPilipinas
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
(062325-36)
Total Views: 145
Responsive 3-Column Footer

© 2024 | Department of Agriculture - Bureau of Plant Industry