Nakibahagi ang DA-BPI (Bureau of Plant Industry) sa 3rd National Agriculture and Fisheries Technology Exhibition noong Hunyo 19–21, 2025 sa Mandaue City Cultural and Sports Complex, Cebu, na may temang “Utilizing Industry-driven Agri-Fisheries Technologies toward Progress.”
Ibinida ng DA-BPI ang teknolohiya sa Tissue Culture at Mushroom Production upang ipakita ang mga makabagong paraan sa pagtatanim, magbahagi ng kaalaman, at hikayatin ang mga interesadong indibidwal at ahensya na pumasok sa ganitong industriya.
Itinampok din ang pormal na paglulunsad ng Rice Seed Information System (RSIS), isang proyekto ng DA-BPI at PhilRice, na pinangunahan nina DA USEC. for High-Value Crops Dr. Cheryl Marie Natividad-Caballero, mga opisyal mula sa DA-BAR, at mga developer mula sa PhilRice at BPI.
Bukod sa exhibits, nagkaroon din ng testimonials mula sa mga magsasaka, talakayan sa merkado, at serye ng seminar para sa lahat ng dumalo.
#BagongPilipinas
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
(062325-35)
Total Views: 152